II. Hibang, Pilipinas kong mahal

II.

Pilipinas kong mahal bagamat ang sinag mo ay patuloy na nag-aalab sa langit

Ang kalahati ng iyong mamayan ay sakim at mapagmataas,

Pinanganak na kayunmanggi ngunit kolonyal ang ideolohiya

Mga dila na hambog na nakalimot sa sariling wika;

Mga hibang na kailan man ay hindi nakahaplos ng lupa sa dulo ng kanilang daliri,

Ang kanilang mga palad ay patuloy na kumakain sa pilak na mga kubyertos

Hibang na kailangan uriratin ang isipan ng kanilang kahibangan,

Hibang sa isip, sa salita at sa gawa,

Hibang na napapalibutan ng kahirapan  pero pikit mata na nagsasaya

Mga hibang na kailangan mabuksan ang mga kayumanggi nilang mata,

Hibang na nagbansag sa kanyang mahihirap na kababayan

na “Tamad! ” “marurungis!” “Mga walang asenso” “HIBANG!” ;

Hibang, ang mga tinatawag mong hibang ay katulad mo din,

Hibang na pinandidirian ang kanyang kapwa na kapos,

Hibang na hindi nakikita ang  dungis ng kanyang pagkatao;

Tayong lahat ay mga hibang na may kakarampot na dungis na kailangan linisin,

 Kayo na mga natutulog sa ginto,mga naupo sa katahimikan

ay walang karapatang magmalaki;

Kayong mga hibang, mga hibang na duwag,

hibang na hindi kilala ang kultura at bayan niya,

sinu ngayon ang hibang sa ating dalawa?

– C. H. L 2008

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s